Posts Tagged ‘End of the world!? Not yet…’

End of the world!? Not yet…

Friday, January 23rd, 2009

As long as you read this blog, another tree had been cut, another child born dead, and another thousand of contribution to global warming was executed. You may save the world’s mere destruction by reading and understanding the real message of this post. Being mother nature’s lover is my personal motive on writing of this blog. You can make this form of blog also, as long as you can convince other person to save our mother earth from armageddon and catastrophes.

Ganyan lagi ang mababasa mo kung talaga ngang malawak ang pananaw mo sa nangyayari sa paligid mo. Pero karamihan sa atin, iniisnab lang ang ganitong mga post. Siguro sa bawat sampung taong makakabasa nito, isa lang ang pwedeng maka-appreciate sa gustong iparating ng nag-post ng blog na ito. Maari rin namang mag-po-post na lang din sila ng kung anu-anong mga walang katuturan na bagay o kwento na napanood nila, o kaya naman yung tsismis na narinig nila sa kapitbahay, ipo-post nila para maitsika rin sa buong mundo. Dyan nagsisimula ang gyera, sa totoo lang. Kaya naman, bago pa magunaw ang mundo mo, sana naman kasi, marunong nang rumespeto ang mga tao sa kanyang kapwa.

magaling ba akong mag-english? Wala lang naman to eh, palibhasa nag-lie low muna ako sa pagsusulat ng mga korning jokes na madalas kong ginagawa dati (sige tawa pa, tang ina mo). Hay naku, bago na nga ang sistema ng tao sa pamumuhay. Kung susuriin, hindi ka na kailangan pang sapakin ng isang tao para mainis ka sa kanya. Ang kailangan mo lang, pakunwaring sex appeal, konting karabao english at isang tabo ng kakapalan ng mukha para magpapansin. Then, lumapit sa isang di-kilalang babae na kasingganda ni Katrina Halili, kasingsexy ni Christine Reyes at kasingsungit ni Marian rivera. Hingiin ang cellphone number and YUN NA. May instant girlfriend ka na, sulit pa ang pagpapa-cute mo. Dalawa lang yan eh, its either sagutin ka, or masampal ka ng matunog. Haluan mo na lang ng diskarte yan depende sa babaeng kursunada mo. Oh diba? May panibagong mundo ka na. Kung masira man ang mundong tinitirhan mo, may mundo pa namang nag-aabang sayo… kung saan ang lahat ay solong-solo mo. YAN ANG TINATAWAG NA SARILING MUNDO. Kaya naman, matuwa ka kapag may sariling mundo ka na!!…