MEga…nun!?
promise eto lang talaga ang naisip kong paraan para maglabas ng sama ng loob ko sa iba’t ibang bagay na nauugnay sa mga kaibigan ko.
bakit ba ganun? saan ba ako nagkulang? bakit ganun na lang ako kung balewalain ng mga minsan kong naging kaibigan? siguro dahil sa nangyari noong SEPTEMBER 5, 2007 KUNG SAAN LAHAT NA YATA AY NAWALA SA AKIN!!… ewan ko ba kung bakit! pero aaminin ko, mahirap makapag-move on… hanggang sa inabot na ako ng graduation at pagpasok ko ng college!!…
buti na lang pala nakilala ko ang mga importante at tunay na kaibigan sa pagdaan ko sa aking colege life!!… kahit sabihin kong isiniksik ko lang ang sarili ko sa kanila ay tinanggap pa rin nila kung sino ako. kahit pa sabihin nating hindi sila kasingtalino ng mga naging kaklase at kaibigan ko noon, masasabi ko talaga na mas pipiliin ko sila kaysa sa mga dati ko nang naging bahagi ng buhay ko… sila ang nakatulong sa akin para makapag-move on tungkol sa nangyari sa akin noon!!…
sabihin na nilang wala akong utang na loob pero kung papipiliin ako sa dati at ngayon, walang alinlangan, pipiliin ko ang buhay ko ngayon!!… dahil ramdam ko naman na hindi ako kawalan sa nakaraan ko!!… oo ganun nga!!…
at kung sino man ang makakabasa nito(lalo na kung 2D ka), sana naman ma-gets mo ang sinasabi ko!!… dahil eto lang ang oras ko para i-post ito sa blog ko!!…
Tags: 2D para sa inyo to, ex-classmates sorry na lang, MEga...nun!?